Iginawad ng Department of Labor and Employment ang registration of workers association sa Palerong Manggagawa ng Payatas.

Sumailalim ang 84 resource collectors sa TESDA training at tinuruan ukol sa ecological solid waste management kung saan sila ay magsisilbing facilitators sa pagsasanay ng kanilang kapwa resource collectors.

Nakapagtatag na ng community junk shop ang resource collectors sa Barangay Payatas.

Kaisa sa paggawad ng sertipiko ang city councilors, City Administrator Michael Alimurung, QC Public Employment Service Office Manager Rogelio Reyes, at Barangay Payatas Chairperson Rascal Doctor.