Proud ang lokal na pamahalaan sa karangalang iniuwi ni Jayden Clyde Labudahon mula sa mga sinalihan niyang patimpalak sa larangan ng Jet Ski Sport Racing Competition sa iba-ibang lugar sa bansa.

Nakamit ni Labudahon ang 3rd place sa naturally aspirated at 5th place naman sa slalom time attack Jet Ski Sports Racing Competition na idinaos sa General Santos City.

Hinirang din siyang 2nd place sa slalom attack, 2nd place din para sa 10 minutes endurance, at 4th place naman sa novice runabout 1100 stock at pinarangalan din siya bilang 5th place sa runabout naturally aspirated categories na ginanap sa Subic, Zambales nitong Hulyo 2023.

Mismong ang Quezon City Council, sa pangunguna ni Acting Mayor Gian Sotto ang nag-award sa kanya ng Reso No. SP-9424, kasama sina Councilor Rannie Ludovica, Councilor Egay Yap, Councilor Vic Bernardo, Councilor Banjo Pilar, Councilor Eric Medina, Councilor Godofredo Liban II, Councilor Mutya Castello, at Councilor Nanette Daza.

Buo ang suporta ng QC Gov’t sa mga kabataang QCitizens na nagpapakita ng kagalingan at determinasyon sa kanilang mga napiling sports. Kinikilala rin ng lokal na pamahalaan ang kanilang kontribusyon upang makilala pa ang QC at ang mga atletang QCitizen.