Ibinahagi ng Quezon City Government kina Former Punong Barangay Leopoldo “Jun” Sta. Maria at Former Ex-Officio Councilor Almario Enriquez Francisco ang Scroll ng City Resolution 9451-2023 na kumikilala sa kanilang talento.

Sina Sta. Maria at Francisco ang composer ng kantang “Ikaw, ako at ang barangay” na ginawang national hymn ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.

Mismong sina Mayor Joy Belmonte at mga konsehal ang nagbigay ng pagkilala sa mga composer.