Tuloy-tuloy ang pag-alalay ng pamahalaang lungsod sa maliliit na negosyo sa Quezon City!
759 nano at micro business owners ang nakatanggap ng ₱5,000 sa tulong ng Small Income Generating Assistance (SIGA) program ng Social Services Development Department (SSDD).
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga Person with Disability, Solo Parents, indigent residents, at Persons Deprived of Liberty.
Bago ang payout, dumaan muna sila sa livelihood training para sa mas masinop na pagpapaikot ng puhunan at mas maayos na pagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa SSDD sa 8703-3576 o mag-email sa vdd.SSDD@quezoncity.gov.ph.