Umabot sa 1,746 indibidwal ang naging benepisyaryo ng Small Income Generating Assistance (SIGA) ng Social Services Development Department (SSDD).
Sila ay nakatanggap ng P5,000 capital assistance upang maging puhunan sa kanilang napiling negosyo.
Ang grupo naman ng Foodilicious, Tender Meat Masters, Lady Bubbles at Mary’s Collection and Sewing Craft ay nagkaroon ng aabot sa P60,000 mula Sikap At Galing Pangkabuhayan (SIGAP) para mas mapalago at maparami pa ang kanilang mga produktong itinitinda.
Inaanyayahan ni Mayor Joy Belmonte ang mga residente na lumapit sa SSDD kung may kakaiba at bagong ideya.