TIYAK ANG PABAHAY SA QC!
Ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte ang 63 certificate of land tiles para sa mga benepisyaryong QCitizen na tiyak nang magkakaroon ng sariling lupa sa Lungsod Quezon.
Ayon sa Alkalde, prayoridad ng lokal na pamahalaan ang pagpapaunlad ng mga programang pabahay at mabigyang katiyakan sa paninirahan ang mga nangangailangang QCitizen.
Ang Direct Sale Program ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) ay nagsilbing paraan para sa mga residente na maging lehitimong may-ari ng lupang matagal na nilang inookupa.
Kasama ng alkalde sa distribusyon sina HCDRD head Ramon Asprer at HCDRD Asst. Department head Atty. Jojo Conejero.