Congratulations sa 53 QCitizen families na nakakuha na ng titulo ng lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay!
Ngayong umaga, pormal nang ibinigay ng Quezon City Government ang Transfer Certificate of Titles (TCT) sa mga residente ng Districts 1, 2, 3, 5, at 6.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang awarding ng titulo sa mga QCitizen, kasama sina Housing, Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Chief Atty. Jojo Conejero, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, District 5 Action Officer William Bawag, at District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave.
Ang pamamahagi ng titulo ng lupa ay bahagi ng ‘Direct Sale’ program ng QC Socialized Housing Project na naglalayong mabigyan ng katiyakan sa paninirahan ang mga QCitizen sa abot-kayang halaga.




