Maagang pamasko ang handog ng QC dahil natanggap na ng 57 QCitizens ang kanilang Transfer Certificate of Title mula sa pamahalaang lungsod.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga titulo kasama si Atty. Jojo Conejero ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD).
Ang pamamahagi ng titulo ng lupa ay bahagi ng ‘Direct Sale’ program ng QC Socialized Housing Project na naglalayong magkaroon ng katiyakan sa paninirahan ang mga QCitizen sa abot-kayang halaga.








