Nakamit na ng 54 benepisyaryo mula sa District 2,3,5 at 6 ang katiyakan sa paninirahan matapos maipamahagi ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte ang mga Transfer Certificate of Title o titulo ng lupa.

Sa pamamagitan ng programang ‘Direct Sale’, nagkaroon ng pagkakataong maging lehitimong may-ari ang mga residenteng matagal nang naninirahan sa mga lote sa kundisyong mabayaran ang halaga o katumbas na presyo ng lupa alinsunod sa terms of payment ng lungsod.

Nakiisa sa programa sina QC Housing, Community Development and Resettlement Department head Ramon Asprer at District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave.

+4