Muling nagdaos ang Lungsod Quezon ng patimpalak sa Pabasa ng Pasyong Mahal, katuwang ang Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo at San Anselmo Publications, Inc.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa anim na distrito ng lungsod bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Semana Santa.
Pinangunahan ito ng Poetry Steering Committee Members na sina Human Resources Management Department Head Atty. Noel Del Prado at QC Tourism Department OIC Giana Aira Barata.
Nagsilbi bilang hurado sa patimpalak sina National Artist for Literature Virgilio S. Almario, UP Diliman Prof. Eileen Antoinette Narvaez, at Philippine Cultural Education Program Director Joseph Sonny Cristobal.
Pagpupugay sa mga nagwagi:
Unang Gantimpala (Trio) – District 2
Yolanda Vargas
Ana Liza Tan
Delia Jaquilmac
Ikalawang Gantimpala (Solo) – District 3
Arvie Dimatangal
Ikatlong Gantimpala (Duo) – District 1
Emilie Echalas
Felisa Camarines
Ang tradisyon ng Pabasa ng Pasyong Mahal ay isa sa mga pamanang Filipino na patuloy na iniingatan sa Lungsod Quezon.








