Dahil sa walang patid na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo, marami na sa mga drayber ng pampublikong sasakyan ang umaaray na. Kaya naman, agad na sumaklolo ang Quezon City Government at nagpamahagi ng mga fleet card na mayroong P1,000 fuel subsidy bawat isa.
Panoorin ang kwento ng pasasalamat ng tricycle drivers ng Culiat at Philand TODA na nakatanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan.