Sumailalim na sa Bachelor of Early Childhood Education (BECEd) program ng Quezon City University (QCU) ang mga child development workers ng lungsod.
Tinitiyak ng Quezon City Government na mayroong sapat na kaalaman at kasanayan ang mga child development workers para masiguro ang mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga bata.
Ang programa ay bahagi ng partnership ng Social Services Development Department (SSDD) at QCU para mabigyan ng pagkakataon ang mga child development worker na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral nang libre.


