Dumalo si Mayor Joy Belmonte at iba pang mga opisyal ng Quezon City Government sa Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layunin ng pulong na tugunan ang problema sa trapiko ng Metro Manila sa pamamagitan ng mga komprehensibong plano.

Nagkaroon din ng open forum upang pag-usapan ang mga sanhi ng trapiko at makapagbahagi ng mga suhestiyon at obserbasyon ang mga dumalo.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., mahalaga ang kooperasyon ng national government, local government Units (LGUs) at government enforcement agencies upang masolusyunan ang problema sa trapiko.

Nakiisa rin sa pagtitipon ang iba pang alkalde sa National Capital Region (NCR) at stakeholders mula sa transport groups, private at business sectors.

Source: Radio Television Malacañang – RTVM

+4