Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy ang pagkalinga sa QCitizens na apektado ng Bagyong Opong.
Agad na namahagi ang Social Services Development Department ng hot meals at iba pang pangangailanan ng evacuees sa mga evacuation center sa lungsod.
Bukod dito, ang City Health Department ay namahagi ng mga gamot tulad ng doxycycline at tetanus toxoid para sa mga evacuees na lumusong sa baha, upang maiwasan ang anumang sakit na dulot nito.
Pinapaalala ng QCHD sa lahat ng QCitizens na lumusong sa tubig baha na magpakonsulta agad sa health center upang maresetahan ng doxycycline bilang pag-iwas sa leptospirosis.








