Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na ipinosisyon ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang mga rescue equipment at mga sasakyan na gagamitin kasama ang mga kawani ng lungsod sa anim na staging areas sa QC.
Kasunod ito ng kasalukuyang nararanasang pag-ulan at malakas na hangin sa lungsod bunsod Habagat at Bagyong #IndayPH.
Nakatutok naman ang mga City Department personnel sa Emergency Operations Center ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office para i-monitor ang lagay ng panahon at umalalay sa mga insidenteng dulot ng bagyo.










