Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ng preemptive evacuation sa ilang barangay sa Lungsod Quezon ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa patuloy na sama ng panahon na dulot ng Habagat at #BagyongInday.
Kabilang sa mga pinuntahan ng QCDRRMO ang mga barangay ng Damayan, Del Monte, Katipunan, Fairview, North Fairview, at Tatalon.
Patuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan at mga barangay upang matiyak ang kaligtasan at maayos na paglikas sa QCitizens na inaaasahang maaapektuhan ng habagat at bagyo.
Para sa anumang emergency, tumawag sa QC Helpline 122.
Stay safe, QCitizens!










