Nagsagawa ng weather briefing at status report ang QC Disaster Risk Reduction and Management Council matapos ang naranasang pag-uulan at malakas na hangin dulot ng Habagat at Bagyong #IndayPH sa Lungsod Quezon.
Tuluyan nang nakalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong #IndayPH ngunit nagdudulot pa rin ng pag-uulan sa lungsod ang Habagat.
As of 1:30 PM, aabot na sa 633 City personnel ang naka duty sa buong lungsod, bukod sa mga tauhan ng barangay.
Nasa 279 na indibidwal naman ang kasalukuyang nasa evacuation sites sa Barangay ng Doña Imelda at Roxas sa District 4.
Patuloy pa ring nakaantabay sa anim na staging areas ang mga kawani ng lungsod para magsagawa ng preemptive evacuation sa mga flood prone areas at tiyakin ang kaligtasan ng bawat QCitizen.










