Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakaantabay ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa anim na staging areas sa Lungsod Quezon bilang paghahanda sa epektong dulot ng Habagat at Bagyong #IndayPH sa QC.
Aabot sa 500 City personnel ang kasalukuyang nasa mga staging areas at handang tumulong sa anumang emergency o insidente.
Narito ang address ng mga staging areas sa bawat distrito ng lungsod:
District 1 – Esteban Abada Elementary School
District 2 – SB Park Batasan Hills
District 3 – 5K Park Milagrosa
District 4 – Amoranto Sports Complex
District 5 – Quezon City University
District 6 – Quezon City General Hospital Covered Court
Para sa anumang emergency, maaaring tumawag sa QC Helpline 122 para sa mabilis na tugon ng Lokal na Pamahalaan.










