Nagsagawa ng rescue operation ang mga medic mula sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) at urban search and rescue (USAR) team, para mailikas ang mga nakatira sa ilalim ng tulay sa Mindanao Avenue sa gitna ng tumataas na lebel ng tubig.

Kabilang sa mga inilikas ay isang stroke patient.

Sinuri ng mga medic ang kalagayan ng mga indibidwal at agad silang dinala sa pinakamalapit na evacuation center.