Congratulations, QC Right To Care Card Team!
Ginawaran ng Philippine Financial & Inter-Industry Pride (PFIP) ang QC Right To Care Card Team (Quezon City Gender and Development Council at MullenLowe TREYNA) bilang Bahaghari Champion sa Philippine Bahaghari Awards 2024.
Sa ilalim ng Right to Care Card program, binibigyan ng pahintulot ang queer couples na magdesisyon para sa kanilang partner sa panahon ng pagkakasakit sa pamamagitan ng Special Power of Attorney (SPA).
Kinikilala ng Philippine Bahaghari Awards ang mga indibidwal at organisasyon na nagbigay ng makabuluhang kontribusyon sa pagsusulong ng inklusibo at pantay na komunidad.