Inilibot ang mga miyembro ng media sa pinakabagong heritage museum ng lungsod Quezon– ang Bahay Modernismo. Matatagpuan ito sa loob ng Quezon Memorial Circle.
Mismong ang museum designer at curator na si Architect Gerard Lico ang humarap sa media para ipakita at ipaliwanag ang kwento sa bawat nagagandahang kagamitan at iba pang display sa museo.
Itinayo ang Bahay Modernismo mula sa orihinal na architectural fragments ng dating bahay ng Pamilya Aquino sa Times Street.
Libre ang pagpasok sa museo, bukas ito tuwing Martes hanggang Linggo, mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM.




