New Museum Alert!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pormal na pagbubukas ng Bahay Modernismo— ang pinakabagong heritage museum ng Lungsod Quezon na matatagpuan sa loob ng Quezon Memorial Circle.
Ang museo ay itinayo upang pangalagaan ang arkitektura at kulturang pamana ng mid-century Philippines at sariwain ang modern domesticity ng mga Pilipino matapos ang digmaan.
Itinayo ang Bahay Modernismo mula sa orihinal na architectural fragments ng dating bahay ng Pamilya Aquino sa Times Street, na ngayon ay muling nabigyang-buhay bilang isang makasaysayang museo.
Kasama sa pagbubukas sina Presidential Adviser for Pasig River Rehabilitation Jose Rizalino Larion Acuzar, City Administrator Mike Alimurung, Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, Acting Chief of Tourism Operations Officer Giana Barata, District Action Officers, at Department Heads ng Pamahalaang Lungsod.
Free Admission ang museo at bukas ito tuwing Martes hanggang Linggo, mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM.
Inaanyayahan ang lahat na bumisita at makilakbay sa nakaraan para tuklasin muli ang kasaysayan ng ating lungsod at bansa.




