Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ang QC Department of Public Order and Safety (DPOS) ng “Bike Lessons for QCitizens” bilang bahagi ng programang “Bakasyong Sulit: QC Summer Activities for Youth and Children, katuwang ang Decathlon Philippines, noong May 24, 2026, sa Car-Free, Carefree Sunday sa Tomas Morato, Quezon City.
Dinaluhan ito ng kabataang edad 4 hanggang 18 taong gulang kung saan itinuro ang basic bike handling skills, road safety awareness, at kahalagahan ng active mobility bilang alternatibong transportasyon at recreational activity.
Patuloy na isinusulong ng Quezon City Government ang mga programang nagtataguyod ng ligtas, inklusibo, at mas aktibong pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibisikleta para sa QCitizens. ![]()
![]()










