QCitizens, tara na at mag-food trip sa Balara Park Christmas Market!
Iba-ibang pagkain at inumin ang mabibili sa bazaar, kabilang ang mga street food, shawarma, takoyaki, fresh juice, at mga kape.
Kapag nakabili na ng pagkain, pwedeng tumambay at mag-chill, sa makulay at maaliwalas na Balara Filters Park.
Bukas ang Pasko sa Parke Balara Park Christmas Market sa Balara Filters Park, Barangay Pansol (sa harap ng Cerro de Carriedo) hanggang December 24, mula 3PM hanggang 11PM.








