Balik sigla, bigay saya sa QC!
Nakatanggap ng maagang pamasko ang 1,500 mag-aaral mula sa Esteban Abada Elementary School at Bungad Elementary School handog ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos sa ikatlong taon ng “Balik sigla, bigay saya” gift-giving day.
Ang regalo ay naglalaman ng unan, raincoat, medyas, tumbler, face at hand towel, at relos sa loob ng trolley bag.
Nakisaya sa pamamahagi ng regalo sina Mayor Joy Belmonte, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, Education Affairs Unit head Maricris Veloso, at Barangay Veterans Village Chairperson Joy Landingin.




