Nasa 1,500 mag-aaral sa Esteban Abada Elementary School ang namangha sa magic show na hatid ng International Magician na si Kent Oliver sa pagsisimula ng “Balik Sigla, Bigay Saya” Nationwide Gift-Giving Day project.
Ang Christmas gift-giving program ay proyekto ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pakikipagtulungan ng mga Local Government Unit (LGU) sa Metro Manila.




