HAPPY OVERSEAS FILIPINOS MONTH!![]()
Ngayong Overseas Filipino Month, inilunsad ng Public Employment Service Office (PESO) ang BalikQC Christmas Reintegration Fair para sa Overseas Filipino Workers (OFW) sa Lungsod Quezon.
Nakibahagi ang national at local government agencies na naghatid ng serbisyo, kasama ang mga pribadong kumpanya na nagbigay ng job opportunities sa mga dumalo.
Iginawad din ang livelihood assistance sa mga benepisyaryo ng Department of Migrant Workers (DMW).
Binigyang pagkilala ang mga OFWs na nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa Tindahan ni Ate Joy Livelihood Support Program.
Dumalo sa programa sina PESO-MRC head Djohanna Ravelo at DMW NCR Regional Director Atty. Falconi Millar.








