HAPPY NAT’L MIGRANTS DAY, QC!
Bilang pakikiisa sa National Migrants Day, idinaos ng Lokal na Pamahalaan ang BalikQC Reintegration Fair kasama ang QCitizen overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga kaanak sa M.I.C.E Center sa City Hall.
Ipinagmalaki ni Mayor Joy ang Migrants Resource Center ng Public Employment Service Office (PESO), dahil malaki ang tulong nito para sa mga migranteng QCitizens. Mula pagbalik nila sa bansa hanggang sa muling pag-angat sa buhay ay may nakalaang programa ang lungsod.
Parte ng fair ang one-stop-shop activities para sa mga dumalo kasama ang mga national and local government agencies at QC partnered organizations. Mayroon ding job fair para sa mga jobseeker, at dance competitions para sa OFWs returnees.
Kasama ni Mayor Joy sa ribbon cutting ceremony sina PESO Manager Rogelio Reyes, Department of Migrant Workers (DMW) Asec. Jerome Alcantara, DMW NCR Regional Director Atty. Falconi Millar, Center for Migrant Advocacy Executive Director Ellene Sana, at Melanie Delos Santos ng Overseas Workers Welfare Administration NCR.




