Pinangasiwaan ng Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO) ang idinaos na BalikQC Reintegration Fair for Women Migrant Workers ngayong araw bilang bahagi ng Women’s Month Celebration.
Higit sa 300 na QCitizen overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya ang nakiisa sa programa na idinaos sa SM City North Edsa.
Inilahad sa programa ng PESO-Migrants Resource Center, Gender and Development (GAD) Council Office, at City Health Department ang iba-ibang serbisyo ng lokal na pamahalaan para sa mga kababaihan at OFWs.
Naganap din ang awarding ng Balik Pinas, Balik-Hanapbuhay Program mula sa Overseas Workers Welfare Administration at Aksyon Fund Program ng Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga benepisyaryong OFWs.
Mayroon ding one-stop-shop activity ang higit sa 20 booths na mula sa private, NGOs, at national government agencies na tumugon sa mga pangangailangan ng mga QCitizen OFWs.
Dumalo sa programa sina PESO Manager Rogelio Reyes, DMW – National Reintegration Center for OFWs Executive Director Andrea Anolin, at tumayong kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si GAD Council Office head Janete Oviedo.




