Pinangunahan ng Public Employment Service Office ang BaliKyusi Reintegration Fair na ginanap sa Risen Garden, Quezon City Hall Compound ngayong araw.

Layon ng programa na matulungan ang mga displaced at distressed OFW na makabalik sa kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng anim na reintegration pathways.

Kabilang sa reintegration pathways ang local employment, skills development, enterprise or investments; migrants social welfare, retirement at re-migration.

Nagbigay rin ang Department of Migrant Workers ng financial support para sa 34 na OFW returnees at 50 na Pangkabuhayang QC beneficiaries.

+13