Ininspeksyon nina Mayor Joy Belmonte at Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr. ang Balintawak Market kaugnay ng road clearing operations na isinasagawa sa buong Metro Manila.
Inatasan rin ni Mayor Belmonte ang mga barangay sa QC na paigitingin ang ginagawang clearing sa kanilang mga nasasakupan.
Ang ginagawang road clearing operations ay alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government na linisin at alisin ang ‘illegal structures’ o obstruction sa mga pampublikong daan tulad ng Mabuhay Lanes, national at secondary roads pati na ang mga bangketa.
Binigyan naman ng palugit ng DILG ang mga LGU ng hanggang Enero 22, 2021 upang maisagawa ang road clearing.