Maraming salamat sa mga QCitizen na buong-pusong sumusuporta sa layunin nating mas palawakin ang green spaces sa QC!
Sa kasalukuyan, isinasagawa ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Department of Engineering (QCDE), ang pagtatayo ng community parks ng Barangay Unang Sigaw at Barangay Balon Bato. At sa tulong ng Public Employment Service Office (PESO), 15 QCitizens ang nabigyan ng pagkakataong ma-employ para sa proyekto, habang 13 QCitizens naman mula sa mga barangay ang nag-volunteer upang tumulong sa iba’t ibang gawain sa site.
Kabilang sa mga trabahong iniatas sa kanila ay ang mga sumusunod:
– Landscaping
– Improvement works
Dito sa QC, mahalaga sa ating maging katuwang ang QCitizens upang makamit ang ating mga adhikain. Maraming salamat muli sa suporta!










