Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Personal na ininspeksyon ni Public Works Secretary Vince Dizon at City Engineer Atty. Dale Perral ang Balong Bato Creek sa kahabaan ng EDSA-Balintawak sa Lungsod Quezon kaninang umaga.
Pinag-aaralan na ng DPWH katuwang ang lokal na pamahalaan ang dregding sa creek at pagpapalaki ng mga inlets sa kalsada upang matugunan ang pagbabaha sa lugar.
Inanunsyo din sa inspeksyon kasama si NLEX Corp President Luis Reñon ang paggawa ng retarding basin sa ilalim ng cloverleaf section ng NLEX bilang pansamantalang imbakan ng tubig-ulan.
Ang mga maiipong tubig sa proyekto ay layong magamit sa irigasyon at dagdag na suplay ng tubig tuwing panahon ng tag-init.










