Sumama ang mga media personnel at content creators sa inorganisang Banawe Chinatown Food Crawl ng lokal na pamahalaan.
Pinatikim sa kanila ang ilan sa specialties ng mga Chinese restaurants na matatagpuan sa Banawe.
Kabilang dito ang masarap na Cuapao ng Ylaya Maki and Lumpia, ang Fried Pork Chop ng Tasty Dumplings, ang pinagmamalaking Fresh Amoy Lumpia ng Muy Hong, ang Pork Dumplings ng Jin Hokki Dumplings, at ang binabalikang Braised Pork at Shaved Ice ng Fong Wei Wu.
Katuwang ng QC Tourism Department ang QC Public Affairs and Information Services Department sa media launch at food crawl na bahagi ng Chinese New Year celebration sa darating ng January 29, 2025.