Bilang panimula ng QC Chinatown Chinese New Year 2026 celebration, nagsagawa ang Quezon City Tourism Department ng Food Crawl sa Banawe Street katuwang ang QC Association of Filipino-Chinese Businessmen Inc. at piling mga restaurant.
Sa food crawl, binisita at titikman ng mga media representatives at content creators ang masasarap na pagkain sa mga Chinese restaurants, mula King Chef Banawe Branch, Uniku Taiwanese Restaurant, Sincerity Fried Chicken, Juwei by King Chef, Banawe Soybean Curd, hanggang sa The Coze Café.
Layon ng aktibidad suportahan ang lokal na negosyo sa Banawe, at itampok ito bilang pangunahing food at cultural destination sa lungsod.
Masayang nakibahagi sina QCTD OIC Giana Barata, Quezon City Citizen Services Department OIC Joel Distrajo, Internal Audit Service Head Atty. Noel Gascon, at iba pa.










