Puspusan ang isinasagawang retrieval operations ng lokal na pamahalaan at COMELEC para sa pagtatapos ng 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong gabi.
Nasa 550 traditional at modern jeepneys kasabay ang 170 city-owned vehicles ang nagsilbing transportation service ng mga guro, poll clerks, at kasamang mga security forces. Lulan din ng daan-daang mga sasakyang ito ang mga ballot boxes at iba pang election paraphernalia mula sa polling precincts.