Nagdaos ng Barangay Assembly Day ang ilang barangay sa District 4 para sa 2nd semester ng taong 2022 kung saan inilatag ang mga proyekto at programang nagawa ng barangay at pinag-usapan ang mga hakbangin para sa mas ikabubuti ng mga residente ng kanilang komunidad.

Pinangunahan nina Kap. Alejandro Z. Mejia Jr. ng Brgy. Kristong Hari, Kap. Jose D. Segundo ng Brgy. Obrero at Kap. Maria Carmela R. Gotladera ng Brgy. Roxas ang assembly katuwang sina Barangay and Community Relations Department (BCRD) Head Ricky Corpuz at District 4 Action Officer Alberto “AI” Flores.