Lumikas na sa Brgy. Bagumbayan Fire Station at Bagumbayan Covered Court ang mga residenteng binaha sa Manggahan Ext. at Sapang Bato Street.
Nasa 115 pamilya (366 indibidwal) ang pansamantalang nanunuluyan sa mga nabanggit na evacuation center.
Patuloy na nakabantay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay ipang masiguro ang kaligtasan ng QCitizens.
Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.




