Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakalipat na ang 38 pamilyang naapektuhan ng sunog sa ilalim ng tulay sa Congressional Avenue, Barangay Bahay Toro sa Brgy. Payatas Transition Housing na proyekto ng Pamahalaang Lungsod Quezon na pinangangasiwaan ng Housing Community Development and Resettlement Department.
Pansamantalang titira ang mga apektadong pamilya sa transition housing hanggang sila’y mailipat sa permanenteng tirahan.
Libre ang paninirahan ng mga nilikas, babayaran na lamang nila ang kanilang konsumo ng kuryente at tubig.










