Condominium-type na pabahay sa Balingasa, de-kalidad at pangmalakasan!

Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang on-going construction ng 12-storey QCitizen Homes 32 sa Barangay Balingasa.

Magkakaroon ito ng mahigit 300 housing units, commercial space sa 1st floor, at parking areas sa 2nd at 3rd floor. May gym, basketball court, at open playground din sa 4th floor.

Kasama sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, at District 1 Action Officer Ollie Belmonte, tiniyak ng alkalde na maayos at nakaayon sa mga nakasaad sa plano ang mga pasilidad ng pabahay.

Ang QCitizen Homes 32 ay kabilang sa mga tugon ng lungsod sa tumataas na demand para sa mura at mataas na kalidad na tirahan para sa mga indigent at informal settler families.

+20