Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Tuloy-tuloy ang isinasagawang Barangay-Based Supplemental Feeding Program ng lokal na pamahalaan para sa mga batang QCitizen.
Binigyan ng kumpleto at masustansyang pagkain ang mga natukoy na undernourished na bata edad 5 hanggang 9 taon, mula sa iba-ibang barangay.
Bilang bahagi ng Barangay Nutrition Program Ordinance (City Ordinance SP-3242, S-2023), layon ng programa na matulungan ang mga bata na maitaas ang kanilang timbang, at mapabuti ang kanilang pangkalahatang kalusugan.
Para maging sustainable, sumasailalim din ang kanilang mga magulang sa nutrition education sessions kung saan binibigyan sila ng kaalaman kung paano matitiyak na masustansya ang pagkain na kanilang inihahain.








