Patuloy na nagsasagawa ng Barangay Based Supplementary Feeding Program (BBSFP) ang Quezon City Nutrition Committee para mabigyan ng masustansyang pagkain ang mga nutritionally-at-risk children ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Kahit summer break o bakasyon, sinisiguro ng mga barangay at lokal na pamahalaan na nakukuha ng mga bata ang mga kinakailangan nilang nutrisyon, para maging mas malusog.
Bukod dito, sumasailalim din ang mga bata at kanilang magulang sa values formation programs, nutrition education, urban farming, at proper hygiene upang matiyak na pangmatagalan ang epekto nito sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata.
Sa tulong ng Climate Change and Environmental Sustainability Department, Quezon City Health Department, Joy of Urban Farming, at Social Services Development Department, mas napaigting naman ang suporta sa mga barangay sa pamamagitan ng food surplus mobilization, nutrition education, at paggamit ng mga gulay mula sa urban farms.










