QCitizens, halina’t makisaya at mag-food trip sa Food Bazaar 2025 sa Barangay Damayan!
Iba-ibang mga pagkain tulad ng takoyaki, fried noodles, at shawarma ang mabibili sa bazaar, na bahagi ng taunang pagpupugay kay San Pedro Bautista. Mayroon ding mga damit at iba pang produkto na gawa mismo ng mga taga-Damayan.
Pormal na binuksan ang bazaar ngayong gabi, sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte, SK Federation President at Damayan SK Chairperson Coun. Sami Neri, Damayan Chairperson Floride Casaje, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at dating konsehal Elizabeth Delarmente.
Ang proceeds ng bazaar ay mapupunta at ido-donate sa Simbahan ng San Pedro Bautista.
Bukas ang food bazaar hanggang February 2, 2025, simula 5:00PM hanggang 1:00AM.