Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang retaining wall sa Barangay Doña Imelda na napinsala bunsod ng nagdaang Habagat at Bagyong Carina.
Ayon sa Ribana Neighborhood Association, umabot sa walong bahay ang apektado sa pagkasira ng imprastraktura. Siniguro naman ng alkalde na agad itong gagawin upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon.
Kasama ni Mayor Joy sa site inspection sina Councilor Raquel S. Malañgen, Chief of Staff Rowena Macatao, District 1 AO Ollie Belmonte, City Engineer Atty. Dale Perral, at RNA HOA President Erwin Macabari.