TINGNAN: Matagumpay na naidaos ang Barangay Assembly Day sa iba-ibang barangay sa lungsod para sa 2nd semester ng taong 2022.
Dito ay inilatag ang mga proyekto at programang nagawa gayundin ang mga susunod pang plano ng bawat barangay para sa ikabubuti ng mga residente ng kanilang lugar.
Pinangunahan ni Barangay and Community Relations Department (BCRD) Head Ricky Corpuz ang assembly kasama ang mga District Action Officer na sina Mr. Oliviere “Ollie” Belmonte ng District 1, Atty. Enrile “Bong” Teodoro ng District 2, Atty. Thomas John Thaddeus F. de Castro ng District 3, Alberto “Al” Flores ng District 4, Mr. William Bawag ng District 5, at Atty. Mark Anthony Aldave ng District 6.
































































