Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang Barangay Greater Lagro ngayong Linggo.
Siniguro ng alkalde na maayos na naisakatuparan ang mga plano sa buong pasilidad at kumpleto na ang mga kagamitan sa bagong barangay hall, para makapaghatid ng iba-ibang serbisyo sa mga QCitizen.
Pinag-aralan din ang mga plano at iba pang proyektong maaari pang maisakatuparan sa komunidad.
Kasama ni Mayor Joy sa kanyang pagbisita sa Greater Lagro sina City Engineer Atty. Dale Perral, at District 5 Action Officer William Bawag.









