Handa nang maglingkod ang bago at mas maaliwalas na pasilidad ng Barangay Kaunlaran!

Ngayong umaga, pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Barangay Kaunlaran Chairperson Dong Cheng ang ribbon-cutting ceremony ng Barangay Kaunlaran Hall.

Mayroon itong apat na palapag na may mga opisina ng mga barangay staff at officials, session hall, at multipurpose halls. May basketball court din sa fourth floor ng barangay hall.

Maituturing na ‘green building’ ang istruktura dahil mayroon itong daylighting architectural design, solar PV system, at energy-efficient na pasilidad.

Dumalo rin sa opisyal na pagbubukas ng barangay hall sina Chief-of-Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, at konseho ng Barangay Kaunlaran.

+10