Mahigit 200 opisyal at kinatawan ng mga barangay mula sa District 1, 2, 5, at 6 ang nakiisa sa ginanap na QC Barangay Media Literacy Seminar. Inorganisa ito ng Public Affairs and Information Services Department (PAISD) katuwang ang Barangay and Community Relations Department (BCRD).
Nagsilbing resource speaker sina Ms. Elizabeth Judith Panelo at Ms. Rowena Caronan ng ABS CBN Bayan Mo, iPatrol Mo.
Tinalakay sa seminar ang ilang paalala ukol sa wastong paggamit ng social media, citizen journalism at fact checking upang maiwasan ang paglaganap ng ‘fake news’.
Nagpaabot naman ng kanilang suporta sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.
Ikaw at ako, sama-sama tayo sa pagsusulong ng responsableng paggamit ng social media at sa paghikayat sa makabuluhan at aktibong partisipasyon ng QCitizens!