Ipinatawag ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang 142 barangay captains upang talakayin ang deklarasyon ng Dengue Outbreak sa QC ngayong araw.
Bahagi ng pulong ang mga gagawing aksyon ng mga barangay sa kani-kanilang komunidad, tulad ng mga clean-up drives, mosquito fogging, at paghimok sa QCitizens na palaging linisin ang kanilang mga bahay lalo na ang mga lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok.
Kasunod nito, inatasan na rin ang 66 na health centers sa QC na maging bukas buong linggo.
Pinakinggan ang mga suhesyon at rekomendasyon ng mga punong barangay na layong maging epektibo ang tugon ng lokal na pamahalaan sa dumaraming kaso ng dengue.
Dumalo sa meeting sina Quezon City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, Committee on Barangay Affairs Chairperson Councilor Mari Rodriguez, Rosario Maclang Bautista General Hospital Director Dr. Dave Vergara, Schools Division Superintendent Carleen S. Sedilla, at Epidemiology and Surveillance Division head Dr. Rolly Cruz.




