Nagpulong ang mga Punong Barangay ng lungsod upang maki-isa at sumuporta sa ZERO Child Labor Manifesto ni Mayor Joy Belmonte na ginanap sa Park Inn by Radisson North EDSA. Ang okasyon ay pinangunahan nina Liga ng mga Barangay President Hon. Jose Maria Rodriguez, BCRD Head Ricardo B. Corpuz, PESO Manager Rogelio L. Reyes, at District 4 Councilor Hon. Edgar “Egay” Yap.
Ito ang pangalawang araw ng orientation kaugnay sa Child Rights and Eradication of Worst Forms of Child Labor, na inorganisa ng World Vision sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government.
Tinatalakay din sa pulong ang plano na palawakin ang ZERO Child Labor Campaign sa mga barangay at iba’t ibang lokal na pamahalaan sa buong bansa. Sa pagtutulungan ng mga barangay, layunin ng lungsod na magtagumpay sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa mas ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat ng mga bata.